Buhay na Bayanihan sa Gitna ng Pandemya LGU, EAGLE’S Club, namigay ng kagamitang pang-edukasyon sa mga paaralan, guro :: DepEd Region IX
DepEd Region 9 Deped Regional Office IX Deped Regional Office 9 DepEd RO 9 logo
Home › Media › Regional News › Buhay na Bayanihan sa Gitna ng Pandemya LGU, EAGLE’S Club, namigay ng kagamitang pang-edukasyon sa mga paaralan, guro

Buhay na Bayanihan sa Gitna ng Pandemya LGU, EAGLE’S Club, namigay ng kagamitang pang-edukasyon sa mga paaralan, guro
March 18, 2021| by: Evelyn A. Mier, MT-II

Buhay na Bayanihan sa Gitna ng Pandemya LGU, EAGLE’S Club, namigay ng kagamitang pang-edukasyon sa mga paaralan, guro

PAGPUPUGAY. Mayor Cyril Reo A. Glepa (extreme right) ng Lungsod ng Molave, namigay ng Globe prepaid wifi sa mga guro ng Molave East district noong January 19.


Bilang pagpapahalaga sa kapakanan ng mga kabataan at mga guro na nagpupursigeng ipagpatuloy ang pagbibigay ng serbisyong pang-edukasyon sa kabila ng banta ng kalusugan dahil sa CORONA VIRUS 2019 o COVID 19, namigay ang Local Government Unit (LGU) ng Molave, Zamboanga del Sur sa pamumuno ni Municipal Mayor Cyril Reo A. Glepa ng mga kagamitang pantulong para sa bagong normal na paraan ng pagtuturo.


- Tumanggap ang 17 na paaralang elementarya ng distrito ng Molave West  
ng tigdalawang Epson printer, internet modem, at thermal scanner samantalang isang photocopier machine, dalawang yunit ng Epson printer L5190, isang ACER laptop core I5, at 30 bote ng Epson ink 003 naman ang ipinagkaloob ng pamahalaang panglungsod sa Simata National High School noong Enero 15.


Namigay din si Glepa ng Globe at Home Prepaid Wifi sa lahat ng mga guro ng distrito ng Molave East. Personal na inihatid ni Glepa ang mga naturang modem sa mga paaralan ng distrito kasama si Public Schools District Supervisor Lida A. Borongan nitong Enero 19-21.


“LGU Molave is always ready to help our teachers’ needs so that our students can be taken care of especially during this pandemic,” pahayag ni Glepa sa kanyang Facebook post noong Enero 19.


Samantala, hindi naman nagpapahuli ang Salug Valley Eagles’ Club, Molave, Zamboanga del Sur Chapter sa pagbubukas-palad nila sa mga guro. Sumuporta din sila sa mga guro sa pamamagitan ng pagbibigay ng tigsampung reams ng A-4 size bondpaper sa mga piling paaralan ng distrito ng Molave West.


Ayon sa (continue page 5) dating Barangay Captain Henry O. Florentino na siyang pinuno ng samahan sa unang distrito ng lungsod na nag-ambag-ambag sila ng salapi upang makabili ng mga bondpaper at maipamahagi sa mga paaralang nangangailangan nito para sa pag-imprinta ng mga modules para sa modular distance learning.


Kasama sa nabiyayaan ng libreng bondpapers ng Salug Valley Eagles’ Club ang Simata Elementary School at Simata National High School ng distrito ng Molave West.


Laking pasasalamat ng mga guro ng distrito ng Molave West sa pamumuno ni Public Schools District Supervisor Emmanuel S. Layug sa tulong na natanggap. Malaking tulong aniya ang mga ito para magampanan ng mga guro ang kanilang tungkulin nang mahusay lalo’t gipit ang lahat dahil sa epekto ng pandemya. 
 

Share