Dipolog City binaon ang Zamboanga del Sur sa iskor na, 83 - 58 :: DepEd Region IX
DepEd Region 9 Deped Regional Office IX Deped Regional Office 9 DepEd RO 9 logo
Home › Media › Regional News › Dipolog City binaon ang Zamboanga del Sur sa iskor na, 83 - 58

Dipolog City binaon ang Zamboanga del Sur sa iskor na, 83 - 58
February 28, 2025| by: Baby Dianne Calabria

Dipolog City binaon ang Zamboanga del Sur sa iskor na, 83 - 58

Nagpaulan ng 83 points ang Dipolog City laban sa Zamboanga del Sur sa kasalukuyang nagaganap na Zamboanga Peninsula Regional Athletic Association Meet (ZPRAA) 2025 na ginanap sa Julian Soriano Memorial Sports Complex nitong February 25, 2025. 

Sa unang quarter pa lamang ng laro ay nangunguna ang Zamboanga del Sur na may 18 points laban sa Dipolog City na may 14 points, kalaunan ay humabol ang Dipolog City sa ika-tatlong quarter at nagpakawala ng 28 points laban sa 17 points ng Zamboanga del Sur.

Sa huli,  bagama't naging mainit ang labanan sa pagitan ng dalawang koponan ay matagumpay na nakamit ng Dipolog City ang pagkapanalo.

Share