Sibugay tinaob ang Dipolog, pasok sa semis :: DepEd Region IX
DepEd Region 9 Deped Regional Office IX Deped Regional Office 9 DepEd RO 9 logo
Home › Media › Regional News › Sibugay tinaob ang Dipolog, pasok sa semis

Sibugay tinaob ang Dipolog, pasok sa semis
February 28, 2025| by: JANETH P. SALDON

Sibugay tinaob ang Dipolog, pasok sa semis

Isang madamdaming laro ang ipinamalas ni Liam Iaden Boceso, 10 taong-gulang, ng Zamboanga Sibugay matapos talunin ang dating Palaro player, Khalel Almirol ng Dipolog City sa quarterfinals, 3-2 sa ginanap na ZPRAA Table Tennis Tournament sa New Lituban, Siocon, Zamboanga del Norte, Pebrero 25.

Sa unang set ay ipinakita na ang galing sa pagbibigay ng mga matagumpay na loop spins dahilan para pangunahan ang kalaban, 1-0.

Sinuklian rin ng malabagyong spins ang ibinigay ni Almirol upang maangkin ang pangalawang set, 9-11, 1-1 standing.

Muling itinayo ang kompyansa ni Boceso sa kabila ng mga malalakas na atake ni Almirol, para isarado ang set, 11-4.

Hindi rin maipagkakaila ang ipinakita ni Almirol gamit ang kanyang hard chop and spins para makuha ang pangatlong set, 8-11, 2-2.

Naging emosyonal ang deciding game nang humingi ng timeout si Boceso at ikondisyon ang sarili mula sa palitang atake at opensa, daan para maikalma ang sarili at penal na tinaob si Almirol, 11-9, 3-2 final standing. 

“Nakulbaan kaayo ko kay Palaro player akong kontra,” saad ni Boceso sa isang panayam. 

Dagdag pa niya na ang sipag sa pag-eensayo at determinasyon ay nagbibigay daan para makuha niya ang tagumpay.

Share