Team Zanorte nagpasiklab sa semi-final game laban sa team Zambosur
February 28, 2025| by: Teph Desamito, Faith Natividad, Decci Junco

ZPRAA 2025- Secondary boys ng team Zamboanga del Norte muling mag-papaapoy ng bagsik sa larangan ng Sepak Takraw laban sa koponan ng Pagadian City matapos makamit ang iskor na 30-34 sa 3rd set na nagresulta ng kanilang pagkapanalo sa semi-finals kontra sa koponan ng Zamboanga del Sur.
Ayon pa kay Alfred Rigasao team captain ng Zanorte, matinding roll back at hand spikes ang kanilang ipinamalas para masecure ang pagkapanalo sa semi-finals.
Puspusan ang paghahanda ng koponan para sa gaganaping championship game bukas Pebrero 26 sa Pisawak Elementary School.