
Pohon makahuman mi sa among pag-eskwela, kani rapud amoang matabang sa gobyerno,â€sabi ni alyas Jovel, isa sa mga 42 Friends Rescued (FR) na nabigyan ng pagkakataon na makapag-aral muli ng inilunsad ang Alternative Learning System (ALS) Program para sa Project Good Life ng 53rd Matapat Battalion.
Ika-27 ng Abril, 2021 ng magkaroon ng Memorandum of Agreement signing sa pagitan ng DepEd Region IX ALS Program at ng Project Good Life ng 53rd Matapat Batallion sa Camp Sabido, Guipos, Zamboanga del Sur.
Naganap ang paglagda mismo sa headquarters ng Matapat Batallion sa pagitan nina Dr. Majarani M. Jacinto, Schools Division Superintendent, Lt. Col. Jo-Ar Herrera, 53rd Commanding Officer at ng LGU sa pangunguna ni Mayor Vicente “ Dodo†Cajeta.
Layunin ng ALS Program na mabigyan ng Basic Education ang mga FR bilang simula ng kanilang pagbabagong buhay. Sa tulong mismo ng ALS Mobile Teachers galing sa Region IX Curriculum Management Division at saka utus ng Regional Director, sila ang gagabay at tututok sa mga ito upang malaman kung saang antas ng pag-aaral mapapabilang ang bawat isa.
Sa panayam kay alyas Jovel, nanawagan din siya sa kanyang mga kasamahan na nasa mga bulubundukin na sumuko narin at kunin ang oportunidad na makapag-aral muli.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng DepEd: ALS Program at ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa isang proyekto na naglalayung muling mabigyan ng pagkakataon ang mga kagaya nina Jovel na matutong magbasa at magsulat at mamuhay ng may kaalaman.
Inaasahang magbibigay ito ng pag-asa sa mga nagsibalik-loob sa pamahalaan at magiging tulay para sa kanilang muling pagbangon at mas maginhawang hinaharap.
