Colonia, wagi sa 53 kilograms laban kay Engano :: DepEd Region IX
DepEd Region 9 Deped Regional Office IX Deped Regional Office 9 DepEd RO 9 logo
Home › Media › Regional News › Colonia, wagi sa 53 kilograms laban kay Engano

Colonia, wagi sa 53 kilograms laban kay Engano
February 26, 2025| by: JONESSA ROSE O. GOMING

Colonia, wagi sa 53 kilograms laban kay Engano

Isang laban ang nasaksihan sa weightlifting competition sa kategoryang 53 kilograms women’s category. Nagtagisan ng lakas at galing sa pagbuhat sina Maria Ayesha V. Colonia ng Zamboanga City at Kisiah Joy N. Engano ng Zamboanga del Sur. Sa snatch, umangat si Colonia ng 38 kilograms kumpara sa 25 kilograms ni Engano. Sa clean and jerk ay mas lalong ipinakita ni Colonia ang kanyang lakas sa pagbuhat nakakuha siya ng 45 kilograms habang si Engano ay nakakuha ng 38 kilograms. Sa kabuuan, si Colonia ang nagwagi na may 83 kilograms kontra sa 63 kilograms ni Engano.

Share